BANTAY-TRILLANES | 12-hour visiting period kay Trillanes, inisyu

50

Manila, Philippines – Nag-isyu ang Senate Office of the Sergeant at Arms ng 12-hour visiting period para sa bisita at mga taga-suporta ni Senator Antonio Trillanes IV, epektibo Biyernes ng gabi.

Ito ay kasunod na rin ng pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na ban ang mga taga-suporta ni Trillanes na magtipon sa senate building ngayong weekend.

Sa ilalim ng bagong polisiya, papayagan lamang ang mga dadalaw kay Trillanes na makapasok sa opisina sa pagitan ng alas 7:00 ng umaga at alas 7:00 ng gabi dahil sa security concerns.

Habang tanging ang immediate family lang ng senador, abogado, staff at media ang papayagan na manatili sa kanyang opisina sa corridors pagkatapos ng cut-off period.

Facebook Comments