MODUS | BSP, nagbabala kaugnay sa “phising scam”

30

Manila, Philippines – Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko hinggil sa “phising scam”.

Nabatid na sa nasabing scam, modus ng mga suspek ang tumawag sa kanilang target at magpakilalang mula sa gobyerno at pagkatapos ay kukunin ang mga sensitibo at personal na impormasyon ng biktima.

Ayon sa BSP, kung makatatanggap ng tawag mula sa sinomang magpapakilalang taga-BSP ay maaring bogus o peke ito dahil kailanman ay hindi sila tatawag sa publiko para humingi ng personal na impormasyon, credit card information o online account details.

Sakaling makatanggap ng ganitong tawag, agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad para ma-track ang pinagmumulan nito.

Maari ding makipag-ugnayan sa financial consumer protection department ng BSP kung saan pwedeng magpadala ng email sa consumeraffairs@bsp.gov.ph o kaya ay tumawag sa 708-7087 o 708-7701 local 2584.

Facebook Comments