BANTAY-TRILLANES | Sen. Trillanes, uuwi na ngayong araw

Manila, Philippines – Alas dyes ng umaga inaasahan ang paglabas ni Senator Antonio Trillanes IV mula sa Senado, kung saan siya nanatili simula pa noong September 3.

Matapos ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation Order 572 na nagpapawalang bisa sa kanyang amnesty.

Ilang minuto ang nakakalipas ay dumating sa Senado si Magdalo Representative Gary Alejano.


Dumating din dito sina Atty. Aleta Tolentino ng Tindig Pilipinas at Sister Teresita Alo na may bitbit pang imahe ng mama Mary.

Sagot daw sa dasal nila ang pagpapaliban ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano na magpasya sa hirit ng DOJ na hold departure order (HDO) at arrest warrant kay Trillanes.

Patuloy at pag-iibayuhin pa nila ang pagdadasal.

Ito anila ay victory ng rule of law at sana ay magtuluy-tuloy na. Giit ni Atty. Tolentino double jeopardy kung buhayin ang mga kasong kudeta at rebelyon ni Trillanes na naibasura na.

Facebook Comments