BANTAY-UNDAS | DOTr at iba pang line agencies napaghandaang maigi ang Undas

Manila, Philippines – Handa na ang Department Of Transportation (DOTr) at line agencies sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngaung Undas.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa katunayan Oktubre a kinse pa lamang ay planstado na ang “OPLAN BIYAHENG AYOS: UNDAS 2018,” layon nito na tiyakin ang seguridad, kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero sa lahat ng pantalan, paliparan at lansangan ngayong Undas.

Ang mga ahensya sa ilalim ng DOTr ay ang MIAA, PNR, PCG, MRT/LRT, LTO/LTFRB, CAAP, CAB at PPA MARINA ay naglagay ng mga help desk sa mga terminal lansangan at riles na handang magsilbi sa publiko.


Tampok din sa Usapan Transportasyon na ginanap sa Gate 16 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga accomplishment, projects at updates sa aviation at airports, railways, road transport at maritime.

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade bago matapos ang taon, bubuksan na sa publiko ang Panglao International Airport sa Bohol.

Bukod pa ang Batch Terminal Operation sa Cavite at ang ferry operation mula MOA hanggang Sangley Point sa Cavite at ang bubuksan na Parañaque Integrated Transport Exchange (PITX) Terminal sa susunod na linggo.

Facebook Comments