Manila, Philippines – Nag-isyu na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit para sa 1,355 bus units na bibiyahe ngayong Undas.
Sa tala ng LTFRB, naglabas sila special permit para sa higit 500 unit sa central office, halos 700 units sa Region 4, limang units sa Region 5, pitong units sa Region 6, 97 units sa Region 7, walong units sa Region 8, 15 units sa Region 10 at apat na units sa Region 11.
Epektibo ang special permit mula October 30 hanggang November 5, ang panahon kung saan inaasahang maraming pasahero.
Ang special permits ay ini-isyu ng LTFRB tuwing holidays gaya ng Undas, Semana Santa at Pasko na layong payagan ang mga bus operators na bumiyahe sa labas ng kanilang ruta at umayuda sa maraming bilang ng pasahero.
Maglalagay din ang LTFRB ng helpdesk sa mga major transport terminals habang ang LTFRB hotline ay bukas 24-oras.