UNDAS 2018 | Security preparations para sa Undas, all-set na – PNP

Nakalatag na ang mga security preparations ng Philippine National Police (PNP) para sa apat na araw na pagbabantay sa Undas, mula November 1 hanggang 4.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – tinatayang nasa 14.6 million na Pilipino ang inaasahang bibisita sa higit 4,600 public cemeteries at memorial parks at 76 na kolumbarya sa buong bansa.

Nakabantay din sila sa 83 paliparan at domestic air terminals, higit 300 pantalan, higit 800 bus terminal at 59 na himpilan ng tren para tulungan ang mga pasahero.


Inatasan na rin ni Albayalde ang mga police commanders na makipag-coordinate sa mga Local Government Units (LGUs) para sa pagpapatupad ng security measures.

Facebook Comments