Manila, Philippines – Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa Department of Trade and Industry (DTI) na bantayang mabuti ang mga pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Giit ni Robredo, dapat tiyakin ng gobyerno na hindi ginagamit na dahilan ng mga negosyate ang bagong tax reform law para magtaas sila ng presyo.
Ayon naman kay DTI Usec. Karl Chua, nagsasagawa na ang ahensya ng monitoring sa mga presyo ng bilihin para masigurong hindi sinasamantala ang TRAIN law.
Samantala, minaliit lang ng House Deputy Speaker Fredenil Castro ang mga petisyong kumukwestyon sa TRAIN law.
Aniya, mababaw na dahilan ang kawalan ng quorum bilang puntos sa ng mga petitioner.
Gayunman, bukas aniya siya sa pagpasok ng Korte Suprema sa usapin.
Facebook Comments