Cauayan City, Isabela- Kabuuang animnapu’t anim (66) law student mula sa lalawigan ng Kalinga ang kabilang sa mga nakapasa sa 2021-2022 Bar examination matapos ilabas ng Korte Suprema ang resulta ng pagsusulit kahapon, April 12,2022.
Ipinagmamalaki ng Provincial Government ang mga nakapasa sa naturang pagsusulit sa kabila ng makailang beses na pansamantalang sinuspinde ang mga nakatakdang eksaminasyon dahil sa banta ng COVID-19.
Samantala, aabot naman sa 120 ang kabuuang bilang ng mga Isabeleño na ganap na ngayong Abogado dahil sa positibong resulta ng kanilang pagsusulit.
Nagpaabot naman ng pagbati sina Isabela Governor Rodito Albano at Vice Governor Bojie Dy sa lahat ng mga nakapasang law student ng Isabela.
Kahapon, naitala ang record-high kung saan 8,241 examinees ang nakapasa mula sa bilang na 11,402.
Facebook Comments