Bar Examinations, iniurong ng SC sa Pebrero

Iniurong ng Supreme Court ang sa Pebrero 4 at 6 ang 2020/21 Bar Examinations sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Batay sa Bar Bulletin No. 22, series of 2022, sinabi ni Associate Justice at 2020/21 Bar Examinations Chairperson Marvic Leonen na 16.8 porsyento sa 8,546 Bar examinees ang nagpositibo sa virus, nakatira kasama ang COVID-19 positive patient at mayroong naka-quarantine dahil cloase contact.

Magiging “critically understaffed” aniya ang 16 sa 31 teams na naka-deploy kung itutuloy ang orihinal na schedule dahil sa infection rate at quarantine situation ng ilang Bar personnel.


Nagpasalamat naman ang SC sa mga Local Government Unit (LGU) at paaralan na mangunguna sa Command Center at magsisilbing local testing centers.

Pinapayuhan din ang lahat ng examinee na sumailalim sa quarantine simula sa Enero 20 o dalawang linggo bago ang pagsusulit.

Facebook Comments