Higit 54-M Pilipino, fully vaccinated na laban sa COVID-19

29

Umabot na sa 54,457,863 Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Batay sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, naabot na ng bansa ang vaccination target para sa 2021 na 54 milyong Pilipino na fully vaccinated.

Katumbas ito ng 70.60 porsyento ng 77.13 milyong populasyon na eligible na bakunahan.


Halos 58 milyong indibidwal naman ang nabigyan ng first dose habang 4.4 milyon ang nabakunahan ng kanilang booster shots.

Facebook Comments