Nagpapasalamat ang Barangay 69 Zone 6 District 2, Grace Park, West Caloocan City sa DZXL Radyo Trabaho sa pagbisita ng Radyo Trabaho team sa kanilang barangay para magsagawa ng “Katok Bahay, Sorpresa Trabaho.”
Ayon kay Barangay 69 Brgy. Chairwoman Jenette Manlapig, nagpapasalamat ang kanilang barangay dahil napili ng DZXL Radyo Trabaho ang kanilang lugar para makapagbigay ng trabaho sa kanilang mga residente.
Aniya, sa pamamagitan ng DZXL Radyo Trabaho ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nila na makapag-apply ng trabaho at magkaroon ng pagkakataon na maiangat ang kanilang pamumuhay.
Samantala, bilang pakikiisa sa Women’s Month, may alok na livelihood program si Kapitana Jenette sa mga solo parent sa nasabing brgy.
Sa naturang seminar, tinuturuan ang mga kababaihan na gumawa ng sabon, mga home made product tulad ng tocino, longganisa at iba pa.
Ang mga produkto ay maaaring ibenta online maging sa talipapa at sa palengke ng Brgy. 69.
Kanina, personal pang sinamahan ni Kapitana Jenette ang Radyo Trabaho team na namahagi ng mga pulyetos sa kaniyang mga ka-brgy. ng sa ganon ang mga walang trabaho ay matulungan ng Radyo trabaho na magkaroon ng disenteng pamumuhay.