Gov. Degamo murder case, malapit nang maging case closed ayon sa DOJ

Malapit nang masara ang kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla, “the end is near” sa kaso ng pagpatay kay Degamo.

Aniya, unti-unti nang nahuhubaran ng maskara ang mastermind sa krimen base sa testimonya ng isa sa mga suspek.


May video rin aniya ang pakikipag-usap ng suspek sa sinasabi nitong utak ng krimen.

Sa kabila nito, nilinaw ng kalihim na kailangan pa ring ma-evaluate ang salaysay ng mga naarestong suspek.

Isasailalim na rin aniya sa ikalawang round ng pagtatanong ang mga suspek.

Facebook Comments