Baguio,Philippines-Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Mt.Ulap na isang tourist spot sa Santa Fe Ridge,Ampucao,Itogon,Benguet. Naging kilala ito at patuloy ang bumibisita rito dahil sa maganda nitong tanawin at sariwang hangin. Ito’y hindi masyadong malayo sa siyudad ng Baguio sapagkat ang biyahe dito ay kalahating oras depende sa trapiko.
Siyam na kilometro ang haba ng paglalakad at makakarating sa tuktok ng 5 oras na walang hinto.Kung hindi masayadong maulap, makikita rito ang Mt.Pulag,lingayen gulf, San Roque dam,Philex Mine at Baguio City. Magandang mag-hike dito kapag umaga para hindi masunog ang balat at para makita ang pagsikat ng araw.
Madali lamang ang pag punta rito,ang paradahan ng jeepney ay sa lakandula street malapit sa Center Mall. Ang dyip ay available ng 4:00 am, sumakay sa dyip patunggong Ampucao. Ang pamasahe ay 30.00 pesos at sabihin sa driver na ibaba kayo sa Brgy. Ampucao para sa registration.
Ang registration fee ay 100.00 pesos kada tao at maximum ng pitong turista. Kailangan ng tour guide kung ang bundok ay maulap at ito rin ay daan para makatulong sa komunidad. Tuwing weekends, karamihan sa mga guides ay mga mag-aaral ng Ampucao na nag-iipon para sa kanilang allowance. Ang bayad sa isang tour guide ay 600 kaya’t mas nakakatipid ang mga turista kung sila’y grupo at marami.
Mga lodi! Nag hahanap ka ba nang thrilling na adventure na tiyak pasok sa budget mo ? Pasyal na sa Mt.Ulap.