KUKUMPIRMAHIN | PNP, kinukumpirma na rin ang ulat na may nagaganap na recruitment ng ISIS sa Luzon at Visayas

Manila, Philippines – Patuloy na kinukumpirma ng Philippine National Police ang report na may nangyayaring recruitment ng ISIS sa Luzon at Visayas.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, mayroon silang namo-monitor na recruitment sa Luzon at Visayas pero kailangan aniyang beripikahin pa ang mga ito.

Sa ngayon ang kinukumpirma lamang ni Dela Rosa ay ang patuloy na pagre-recruit ng ISIS sa Mindanao partikular sa lungsod ng Marawi kung saan naganap ang gyera sa pagitan ng Maute ISIS terrorist group at tropa ng pamahalaan.


Siniguro naman ni Dela Rosa na may ginagawa silang paraan para mahinto ang ginagawang recruitment ng ISIS partikular aniya ang patuloy ng information sharing na ginagawa nila Armed Forces of the Philippines at iba pang intelligence agencies.

Facebook Comments