BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS 2025, KASADO NA

Inilatag na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga calendar of activities para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.
Bubuksan ang voter’s registration mula July 1-11 para sa mga nais magparehistro kasabay ng Application for Transfer, Reactivation, Change of Name/Correction of Entries, Inclusion/Reinstatement, Transfer from Overseas to Local at Updating of Records.
Magsisimula naman ang Filing ng Certificate of Candidacy sa October 1 – 7, 2025 habang ang Campaign Period ay mula Nov. 20 hanggang 29.
Ayon sa COMELEC, sasampolan ang mga kakandidatong masasangkot sa maagang pangangampanya kahit wala pang campaign period.
Sa December 1, 2025 inaasahang magaganap ang BSKE 2025.
Samantala, isa ang Pangasinan sa may pinakamaraming botante sa bansa na nasa mahigit dalawang milyong mula sa 1,364 barangays ng 44 bayan at apat na lungsod base sa pinakahuling tala ng COMELEC Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments