Tatambakan ng Manila Police District (MPD) ng kaso ang barangay chairman at mga kagawad ng Barangay 129 , Caloocan City.
Ito ay matapos ang ginawang tupada noong Biyernes Santo sa loob ng Manila North Cemetery sa Maynila nina Chairman Brix John Rolly L. Reyes; at barangay kagawads na sina Alfie Lacson; Romualdo Reyes alias ‘Udong at John Cris Domingo alias ‘Tenga’ gayundin ng isang ‘Cabron’ Kabilang sa mga kasong isasampa laban sa grupo ni Reyes ang Illegal Cockfighting, Paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act), Paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Event of Public Health Concern Act at Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agent of such Person) in relation to Proclamation No. 922 series of 2020 (Declaring the State of Public Health Emergency throughout the Philippines).
Una nang sumuko sa Manila City Hall ang naturang barangay officials matapos silang bigyan ng ultimatum ni Manila Mayor Isko Moreno para magpaliwanag, kasabay ng ginawang shame campaign ng alkalde sa naturang mga opisyal kung saan pinuntahan mismo ito sa Caloocan City ni Yorme at ng mga tauhan ng MPD.