Manila, Philippines – Nakapagpasya na ang Kamara na ipagpaliban ang Barangay at SK elections sa Oktubre ng kasalukuyang taon.
Sa all member caucus na isinagawa, sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na napagdesisyunan ng mga kongresista na ipagpaliban ang eleksyon sa Oktubre at sa halip ay gawin na ito sa Mayo ng susunod na taon.
Isasabay ang eleksyon sa Barangay sa plebesito sa ChaCha o sa BBL.
Ayon kay Suffrage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna, napagkasunduan na hold over capacity ang gawin sa mga barangay lalot ilang buwan lang naman mapapalawig ang kanilang panunungkulan.
Titingnan din ng komite kung ano naman ang magiging desisyon dito ng Senado.
Kumpyansa si Tugna na ngayong Agosto ay maaaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagpapaliban ng Barangay at SK election.