Barangay at SK Election postponement ngayong taon, pasado na sa ikalawang pagbasa

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang pagpapaliban sa October 2017 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna, matapos ang pag-apruba sa second reading ay posibleng isalang na sa Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala.

Matapos anya ito ay hihintayin naman ng Kamara ang pagpapasa ng bersyon ng Senado at dadalhin sa Bicam ang panukala upang pagkasunduin ang mga pagkakaiba nito.


Nais ng Kamara na isagawa ang Barangay at SK Elections sa ikalawang Lunes ng Mayo ng 2018 kasabay ng plebesito sa BBL at charter change.

Mananatili naman sa kanilang puwesto ang mga kasalukuyang Barangay at SK officials hanggang sa mailuklok sa Mayo ng susunod na taon ang mga bagong opisyal.

Facebook Comments