Pagdidiin ni Senador Trillanes kay Vice Mayor Paolo Duterte, black propaganda lang daw

Manila, Philippines – “Black propaganda” lang ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagsusumikap nitong maidiin sa kontrobersyal na P6.4 billion na shabu shipment si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ito ang sinabi ng abogado ng presidential son na si Atty. Rainier Madrid sa interview ng RMN.

Giit ni Madrid, posibleng bahagi ito ng kagustuhan ni Trillanes na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Dagdag pa niya, walang kwenta ang mga iprinisintang ebidensya ni Trillanes sa senate hearing kahapon.

Aminado naman si Trillanes na talagang puntirya niya si Pangulong Duterte.

Aniya, malakas ang hawak niyang ebidensya na talagang may koneksyon sa mga drug lord ang pamilya Duterte.

Facebook Comments