BARANGAY AT SK ELECTIONS | 42,000 barangay sa bansa maliban sa Marawi City, nakahanda na

Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 14.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez – 42,000 barangay sa bansa maliban sa Marawi City ang lalahok sa eleksyon.

Paliwanag ni Jimenez – walang lugar sa Marawi City maaring isagawa ang eleksyon dahil sa naiwang pinsala ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute Terror Group.


Hindi rin aniya pwedeng gawin ang eleksyon ng Marawi sa labas ng lungsod.

Maraming botante ang hindi pa nakakabalik sa kanilang mga bahay sa Marawi.

Tatlong buwan pagkatapos ng eleksyon, magpapadala ang COMELEC ng team sa Marawi para ma-assess kung maaring isagawa ang eleksyon sa lugar.

Facebook Comments