CASINO SA BORACAY | Planong Mega Casino, maaring itayo sa ibang lugar maliban sa mga popular tourist destinations – Malacañan

Manila, Philippines – Nilinaw ng MalacaƱan na maaring pa ring itayo ng Galaxy Entertainment ang kanilang mega casino sa ibang lugar maliban sa mga sikat na destinasyon sa bansa.

Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na idedeklara niya ang Boracay na isang land reform area at ibibigay sa mga magsasaka.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ā€“ tumatalima lamang si Duterte sa desisyon ng Korte Suprema kung saan idinedeklara ang Boracay bilang state-owned agricultural and forestal land.


Sinabi pa ni Roque ā€“ sa pamamagitan ng proklamasyon, maaring desisyunan ng Pangulo kung paano mapapakinabangan ang isla pero sa ngayon wala pang malinaw na petsa kung kailan ito mag-i-isyu.

Una nang itinanggi ng Punong Ehekutibo na pinayagan niya ang Galaxy Entertainment na magpatayo ng casino sa Boracay.

Facebook Comments