Manila, Philippines – Pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ma-deputize ang Armed Forces of the Philippines bilang mga law enforces ngayong Barangay at SK Election Period.
Sa inilabas na memorandum order number 21 ni Pangulong Duterte ay inatasan ng Pangulo ang AFP na makipag-ugnayan sa Commission on Election o COMELEC para sa mga gagawing law enforcement duties ng mga sundalo.
Matatandaan na pinagtibay ng COMELEC noong Marso ang kanilang en-bank resolution na i-deputize ang AFP para sa law enforcement sa panahon ng halalan.
Makakatulong din naman ng Philippine National Police ang AFP sa pagbabantay sa mga itatayong checkpoints sa buong bansa kasabay narin ng ipinatutupad na COMELEC gun ban.
Facebook Comments