BARANGAY AT SK ELECTIONS | COMELEC, pinapayuhan ang mga kakanditato na maging pamilyar sa paghahain ng certificate of candidacy

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Commission On Elections (COMELEC) ang mga indibidwal na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na maging maalam o familiar sa paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – ito ay para maiwasan ng mga kakandidato na magkamali sa pagpa-file ng COC.

Aniya, ang pagkuha ng COC ay makatutulong sa mga kandidato sa paggawa ng kanilang istratehiya lalo na sa patungkol sa paggamit ng palayaw o alyas.


Makakakuha ng kopya ng COC sa mga tanggapan ng election officers o mada-download sa kanilang official website: www.comelec.gov.ph.

Facebook Comments