Mahigpit na magbabantay ang Department of Interior and Local Government (DILG) katuwang ang Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga opisyal ng barangay na tatakbo sa ikatlong termino sa darating na barangay elections.
Ayon kay DILG OIC Eduardo Año – walang pinapayagang local official na makapagsilbi ng higit tatlong termino sa iisang posisyon.
Nanawagan si Año sa mga nagbabalak na huwag nang ituloy o tumakbo na lamang sa ibang posisyon.
Sa nakuhang datos ng National Barangay Operations Office (NBOO) sa 17 dilg regional offices, halos 9,000 na punong barangay at higit 50,000 kagawad ang nasa ikatlong termino na.
Patuloy ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na magtatagal hanggang 20, 2018.