BARANGAY AT SK ELECTIONS | Pagtitipid, pangunahing dahilan ng Kamara sa pagsusulong ng pagpapaliban sa eleksyon

Manila, Philippines – Malaki ang matitipid ng gobyerno kung sa Oktubre 2018
na lamang idaos ang Barangay at SK Elections.

Ito ang binigyaan diin ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms
Chairman at CIBAC Party-List Representative Sherwin Tugna sa interview ng
RMN.

Kasunod na rin ito ng paglusot sa third and final reading sa Kamara ng
panukalang batas na ilipat muli ang SK at Barangay Elections mula sa May
14, tungong October 8.


Ayon kay Tugna – mas makakatipiad sa gastos, oras at panahon ang gobyerno
dahil isasabay na rin ang plebesito para sa itinutulak na Charter Change.

Pero kahit makalusot ang postponement ng Barangay at SK Election sa Kamara,
inihayag naman ni Senate President Koko Pimentel na walang pag-asang
makalusot sa Senado ang naturang panukalang batas.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments