Barangay at SK Elections sa Mindanao, tuluyan nang ipinagpaliban ng COMELEC

Mindanao – Ipinagpaliban na ng Commission on Elections ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Mindanao na nasa ilalim ng Martial Law.

Batay sa resolution na pinirmahan ng pitong en banc members, iginiit ng mga ito ang banta sa seguridad ng mga botante dahil na rin sa nagpapatuloy na krisis sa Marawi City.

Bukod sa Mindanao, hindi pa naman malinaw kung sususpendihin ng kongreso ang nationwide Barangay at SK Elections na nakatakda sa October 23.


Facebook Comments