World’s Tallest Sandcastle, agaw-atensyon sa Germany

Germany – Wagi ng world record title ang bansang Germany matapos na pumasa sa Guinness ang itinayo nilang 55-foot o 17-meter high na sandcastle.

Gawa sa 4,000 metric tons na buhangin ang kastilyo na pinagtulungang itayo ng 19 na skulptor.

Tampok sa sandcastle ang mga kilalang landmarks kabilang ang Great Sphinx ng Giza, Rialto Bridge sa Venice at Graveside ni Elvis Presley.


Naagaw ng Germany ang Guinness title na “tallest sandcastle” sa bansang India na may taas namang 14.84 meter.

Facebook Comments