Barangay at SK Eleksyon, ‘Di Dapat Ipagpaliban!

*Isabela- *Naniniwala si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Armando Velasco na hindi na dapat ipagpaliban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 11, 2020.

Matatandaang sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hiniling niya sa Kongreso na ipagpaliban sa Oktubre 2022 ang halalan sa susunod na taon upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga baranggay at SK officials na maipatupad ang kanilang mga programa at proyekto.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Velasco, batay sa batas ay nakatakdang ipatupad ang Barangay at SK Eleksyon sa susunod na taon.


Ayon sa kanya, mas magandang maisagawa ang nakatakdang halalan upang may mapagkaabalahan naman ang tanggapan ng COMELEC.

Bukod dito ay hindi na aniya maniniwala ang mga mamamayan kung palaging hindi nasusunod ang itinakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Pabor din si dating Comelec Commissioner Velasco na tanggalin na lamang ang eleksyon para sa Sangguniang Kabataan.

Facebook Comments