Barangay at SK Eleksyon sa Buong Lambak ng Cagayan, Naging Payapa!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Maayos at naging payapa ang katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon (BSKE) ngayong taon sa buong lambak ng Cagayan bagamat may mga ilang insidente na may kaugnayan sa eleksyon ang naitala ay naging matagumpay naman ang naganap na halalan.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inihayag ni PRO2 Regional Director PCSUPT Jose Mario M. Espino na ang maayos na resulta ng halalan ay bunga ng maagang pagbabantay at pagpapalawak sa pwersa ng PNP at AFP sa ibat-ibang lugar lalo na sa mga bayan na kailangan ng maigting na pagbabantay.

Magugunita na isang linggo pa lamang bago ang eleksyon ay nagpakalat na sina PRO2 Regional Director Mario M. Espino at Major General Perfecto M. Rimando Jr. ng 5th Infantry Division ng karagdagang pwersa ng PNP at AFP buong lambak ng Cagayan upang magbabantay sa bawat lugar at Polling precincts dito sa Rehiyon.


Ito ay dahil na rin umano sa isinagawang inspeksyon ng RED Team DIPO Northern Luzon sa pangunguna ni PCSUPT Edgardo G. Pamittan sa bawat presinto ng ibat-ibang lugar dito sa rehiyon upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan para sa ligtas na halalan.

Samantala, bagamat wala umanong naitalang insidente sa mismong araw ng eleksyon na may kaugnayan sa eleksyon gun ban kaya’t sinabi ni RD Espino na paiigtingin pa rin ng kapulisan ang pag-implimenta sa election gun ban hanggat hindi pa umano ito binabawi ng COMELEC.

Facebook Comments