Magpapatupad na ng lockdown sa isang Barangay sa Caloocan City matapos na makapagtala ng tatlong positibong kaso ng COVID-19.
Hatinggabi ng March 29, sisimulan ang lockdown sa Barangay Bagong Silang.
Sa ilalim nito, pagbabawalan ang paglabas at pagpasok sa Barangay maliban sa mga medical staff, emergency responders, peace and order personnel, funeral services personnel, mga empleyado ng gobyerno, bangko, remittance center, grocery/supermarket, food services, water refilling station, utility company at santitation at garbage collection.
Ayon kay Barangay Chairman Joel Bacolod, mananatiling bukas ang mga supermarket at grocery store sa kanilang lugar pero mahigpit na ipatutupad ang social distancing.
Tanging may mga quarantine pass lang din ang papayagang lumabas ng bahay.
Ang sinumang lalabag sa lockdown ay aarestuhin. Sa ilalim ng R.A. 1132 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin ng P20,000 hanggang P50,000 at/o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.
Kahapon, sumampa na sa 17 ang kaso ng COVID-19 sa Caloocan, tatlo rito ang naka-recover na. Mayroon din itong 333 Persons Under Monitoring (PUM) at 177 Persons Under Investigation (PUI).