Barangay Captain at mangingisda, huli dahil sa iligal na sabong sa Masbate 

34

Inaresto ng mga pulis ang isang Barangay Captain at mangingisda matapos maaktuhang nagsasabong o tupada sa Sitio Mabariw Barangay San Agustin, Aroroy, Masbate. 

Kinilala ang Kapitan ng Barangay na si Jonel Regala, 39-anyos at ang mangingisda ay kinilalang si Joel Nazareno 37-anyos, residente ng Brgy. Tigbao, Aroroy, Masbate. 

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Aroroy, alas-2:45 ng hapon kahapon nang mahuli ang dalawa sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng PNP. 

Nakuha ng mga pulis sa dalawa ang apat na panabong na manok at P500. 

Sa ngayon, nahaharap na sa kaso ang mga naarestong suspek na ngayon ay nakakulong sa Aroroy Municipal Police Station. 

Facebook Comments