Barangay Captain sa Teresa, Rizal pinagbabaril ng riding in tandem

85

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang pamamaril ng riding in tandem sa barangay kapitan sa Teresa, Rizal.

Sa video, makikitang naglalakad sa tapat ng isang daycare center lamang ang biktimang si Brgy Capt. Marvin Dexter Zapanta.

Ilang sandali, papalapit sa biktima ang dalawang lalaking sakay motorsiklo.

Binunot ng angkas ang kanyang baril at dalawang beses na binaril ang kapitan sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Ayon kay Brgy. Kagawad Victor Francisco – wala silang alam kung may kaaway ang kanilang kapitan.

Sinabi naman ni Teresa PNP Chief, Senior Insp. Renato Torres – hawak na nila ang kopya ng CCTV na makatutulong sa pagtukoy sa mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril.

Facebook Comments