Babaeng sangkot sa illegal recruiting, arestado

27

Manila, Philippines – Natimbog ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae na sangkot sa illegal recruitment.

Umabot sa 95 ang napangakuan ng suspek na si Analyn Ducusin na mabibigyan ng trabaho sa Japan.

Iginiit naman ng suspek na inuutusan lamang siya ng isang travel agency.

Ayon kay NBI Special Action Unit Chief, Atty. Joel Tovera – dapat laging alamin kung lehitimo ang mga nag-aalok ng trabaho.

Kinasuhan ang suspek at ang apat pa nitong kasabwat ng economic sabotage sa ilalim ng syndicated at large scale estafa.

Facebook Comments