BARANGAY CARAVAN SA ALAMINOS CITY, ILULUNSAD; MGA SERBISYONG PANLIPUNAN, IHAHATID

Ihahatid ang mga serbisyong panlipunan sa ilulunsad na Barangay Caravan sa darating na May 26, 2023 na gaganapin sa Brgy. Sta. Maria, Alaminos City.
Naglalayon ang programang Barangay Caravan na mailapit ang mga serbisyong publiko ng pamahalaan ng lungsod lalo na sa mga malalayong lugar.
Ang naturang programa ay sa pangunguna ng alkalde ng nasabing lungsod katuwang ang iba’t ibang departamento kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga taong malayo sa bayan na mapaglingkuran.

Kabilang sa mga iaalok ng programa ay ang serbisyo medikal mula sa City Health Office. Magkakaroon din ng RSBA Enrolment, Consultation, Distribution ng Vegetable Seeds mula sa City Agriculture Office, at iba pang mga serbisyo mula sa City Social Welfare and Development Office.
Magbibigay din ng serbisyo ang City Civil Registrar, City Veterinary Office, City Cooperative Office, City Treasurer’s Office, at iba ang ahensya ng lokal na pamahalaan ng Alaminos. |ifmnews
Facebook Comments