Barangay chairman at 3 kagawad, arestado dahil sa anomalya sa SAP sa Samar

Huli ang isang 50 anyos na barangay chairman at tatlong nitong kagawad dahil sa kanilang kinasangkutan anomalya na may kaugnayan sa Social Amelioration Program (SAP) sa Brgy. Malobago Jiabong Samar.

Batay sa ulat ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang naaresto ay si Barangay Chairman Gilbert Godin Labendia, at ang 3 kagawad na si Corazon Habinal Labrague, Oscar Pasios Godin at Noemi Jabonero Romano.

Sila ay inaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cicero Tuazon Lampasa, ang acting Presiding Judge ng RTC Br. 27, Catbalogan City, Samar dahil sa kasong Anti-Graft and Corruption Practices Act RA 3019.


June 202O nang una nang magsagaw ng imbestigasyon ang CIDG Provincial Unit dahil sa reklamo sa iregularidad sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng SAP.

Batay sa reklamo pinaghati-hatian umano ng mga nahuli ang pera na sana ay ipamamahagi sa mga benepisyaryo ng programa.

Inaakusahan din ang brgy. chariman na lider ng “Villalinda Group” na sangkot sa mga nagaganap na Scam, Estafa at iba pang fraudulent acts sa Western Samar at ang kanyang mga miyembro ay mismong kanyang tatlong kagawad.

Facebook Comments