DFA, nakikipag-ugnayan na sa papasok na opisyal ng bagong tatag na Department of Migrant Workers

68

Nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers’ Affairs Office ng Department of Foreign Affairs kay DMW Incoming Secretary Susan “Toots” Ople para sa maayos na transition at pagiging ganap ng operasyon ng Department of Migrant Workers.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DFA Usec. Sarah Lou Arriola na maging si POEA Administrator Bernard Olalia ay nakikipag-usap na rin sa papasok na kalihim.

Aniya, tinatalakay nila ang magaganap na transition, maging ang mga suhesyon, issues, at sitwasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang bansa.


Pinag-uusapan na rin aniya nila ang pagbuo ng budget at staffing pattern ng bagong departamento na inaasahang maku-kumpleto sa June 3.

Tiniyak ng opisyal na handa ang kanilang hanay upang ipaabot ang kinakailangang assistance o tulong, para sa isang maayos na pagsasalin ng kapangyarihan, mga programa, at mga proyekto sa susunod na administrasyon.

Facebook Comments