Patong patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang Brgy Chairman at Municipal Social Welfare Development Officer sa Isabela, Negros Occidental dahil sa umano’y anomalya sa Social Amelioration Program o SAP.
Ayon kay PRO 6 Regional Director Police Brigadier Gen. Rene Pamuspusan, ang mga opisyal na sinampahan ng kaso ay sina Maria Luz Leal Ferrer, Chairman ng Barangay 8 at si Mae Fajardo na siya namang MSWD Officer sa Bayan ng Isabela.
Sinabi ni Pamusmusan, inireklamo ang kapitan matapos na isama sa listahan nang benepisyaryo ng SAP ang kanyang 13-anyos na apo at pamangkin.
Habang pamimili naman ng pagbibigyan ng SAP ang reklamo kay Fajardo ng mga nanggagalaiting residente sa Brgy 8.
Inimbestigahan ng pulisya ang reklamo at nakakuha sila ng sapat na ebidensya laban sa dalawa kaya sila sinampahan ng kaso.
Ilan sa mga isinampang kaso ng pulisya laban kina Ferrer at Fajardo ay Graft at Falsification of Public Documents.