Barangay Chairman pinagnakawan ng panabong na manok;suspek nahulihan din ng iligal na droga sa Sual Pangasinan

108

Kulungan ang bagsak ng isang 19-anyos na lalaki matapos umanong magnakaw ng manok sa abhay ng isang barangay chairman at mahulihan ng iligal na droga sa barangay Baquioen Sual Pangasinan.
Matapos umanong maireport sa pulisya ng barangay chairman na si Nelson Fontanilla na nilooban ang farm nito at tinangay ang isang panabong na manok agad na sinundan ng awtoridad ang tinahak nitong daan.
Nahabol ng mga awtoridad ang suspek na si Freddie Diaz, residente ng nasabing bayan na tumangay ng panabong na manok na nagkakalahaga ng 2, 500.
Nang kapkapanan ng awtoridad si Diaz nakuha ditto ang isang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang bala ng calibre. 22 revolver.
Kakasuhan ito ng theft, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug act at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

Facebook Comments

From Advertisers