Pinulong ni Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura ang 39 na barangay captains nito.
Sa naturang pulong ng Nuling inter-agency taskforce ay minandohan ng alkalde ang mga punong barangay na dapat lagi silang magmasid at magmanman sa kanilang mga barangay upang hindi mapasukan ng teroristang grupo na posibleng mangre-recruit o kaya ay nagbabalak na manghasik ng karahasan.
Inatasan din ni Mayor Mastura ang ama ng mga barangay na i-activate ng 24 oras ang pagbabantay ng kanilang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) upang masiguro ang seguridad ng kani-kanilang komunidad.
Ang Nuling inter-agency task force ay binuo nang sumiklab ang Marawi siege upang mas matiyak ang seguridad sa bayan ng Sultan Kudarat, binubuo ito ng kapulisan, kasundaluhan, municipal at barangay officials, iba’t-ibang line agencies, pinamumunuan ito ni Mayor Mastura.
Barangay chairmen, BPATs sa bayan ng Sultan Kudarat, pinaaalerto!
Facebook Comments