Barangay councilor at isa pa, patay sa banggaan ng bus at fortuner

24

Sarangani Province, Philippines – Patay ang Barangay Councilor ng Barangay Pobalcion, Polomolok, South Cotabato na si Vladen Silver Orbisido, 33-anyos, at isa pang kasamahan nito na si Enriquita Reyno, 73-anyos, residente ng nasabing barangay matapos bumangga ang kanilang sinasakyang fortuner sa isang bus sa Sitio Bangkerohan, Barangay Banate, Malungon, Sarangani Province alas 10:00 ng umaga kahapon.

Base sa initial investigation ng Malungon Municipal Police Station, napag-alaman na galing ng Butuan City ang mga biktima kasama ng lima pang kasamahan nito.

Pagdating ng Sitio Bangkerojan, nag-overtake si Orbisido sa sinusundang sasakyan.

Hindi kaagad ito nakabalik sa kanilang lane kaya sumalpok sa nakasalubong na bus na pagmamay-ari ng Minadanao Star.

Dahil sa malakas na impact, wasak ang unahang bahagi ng sasakyan na naging dahilan ng malubhang sugat sa katawan ng dalawang biktimang binawian ng buhay.

Dinala pa ng ospital ang mga biktima pero binawian din ng buhay.

Habang ang limang kasamahan naman ng dalawa ay dinala din ng pagamutan matapos nag tamo ng mga sugat sa katawan.

Nasa kostudiya na ngayon ng Malungon PNP ang driver ng bus.

Facebook Comments