Pitong lalake na may kinakaharap na kasong arson, arestado

10

Zamboanga Del Sur, Philippines – Magkasabay na bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang pitong lalake na may kasong arson sa bayan ng Pitogo sa lalawigan ng Zamboanga Del Sur.

Inaresto ng mga miyembro ng Pitogo PNP sa Barangay Balong-Balong na sina Dominador Camache, 72-anyos, Jifford Delatado 21-anyos; Felix Hilamon, 28-anyos; Maximo Vale, 46-anyos; Danilosa Pableo, 40-anyos; Elizaldy Pachico, 33-anyos; at Romeo Jomorat, 51-anyos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Ruben Bance ng regional trial court branch 29 ng San Miguel, Zamboanga Del Sur.

Pansamantala namang isinailalim sa kustodiya ng Pitogo PNP ang mga suspek.

Facebook Comments