
Isa na rito si incumbent Brgy Captain at Councilor- elect Miko Delmendo ng Brgy. District 2 na nakatakdang umalis sa pwesto matapos na palarin sa nakaraang eleksyon bilang bagong Konsehal ng Lungsod ng Cauayan. Hanggang June 30, 2022 na lamang ang kanyang huling panunungkulan bilang Kapitan ng Brgy. District 2.
Sa ating panayam kay Brgy. Captain at Councilor- Elect Miko Delmendo, sa pamamagitan aniya ng Law of Succession, otomatiko nang magiging Brgy. Chairman ang numero unong Kagawad ng Barangay.
Sa unang araw ng buwan ng Hulyo, ay papalitan na pwesto si Delmendo ng kanilang first Kagawad na si Raul Cortez.
Sinabi naman ni Delmendo na hanggat hindi pa natatapos ang kanyang termino ay gagampanan pa rin nito ang kanyang tungkulin bilang Kapitan ng Distrito dos.
Kahit paalis din ito sa kanyang pwesto paakyat sa konseho ay wala naman aniyang magbabago sa pagbibigay nito ng tulong at serbisyo sa mga nangangailangang kabarangay.
Tinatanaw din aniya nito bilang utang na loob ang ibinigay na suporta sa kanya ng mga kabarangay sa pagluluklok sa kanya bilang Kapitan ng Brgy. District 2 at muling pagpili sa kanya para Konsehal ng Lungsod ng Cauayan.