Hindi pagsipot ni Jose Antonio Sanvicente sa preliminary hearing ikinadismaya ng gwardiya na biktima ng hit and run sa Mandaluyong

312

Dismayado ang kampo ng security guard na biktima ng hit-and-run sa Mandaluyong sa hindi pagsipot sa preliminary hearing ng driver ng SUV na si Jose Antonio Sanvicente.

Sa preliminary investigation kanina, sinabi ni Atty. Federico Biolena, abugado ni Christian Floralde na no-show si Sanvicente sa pagdinig at ang nakaharap lang niya ay ang abogado nito na si Atty. Danny Macalino.

Tuloy aniya ang kaso at umaasa syang makakamit nila ang hustisya matapos silang magpasa ng mga ebidensya.


Hindi naman na nagbigay ng panayam si Floralde dahil sa hirap pa rin itong kumilos. Ika-ika pa nga itong sumakay ng sasakyan.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Macalino na tinanggap nya sa hearing kanina ang pormal na kopya ng reklamo.

Maliban dito ay binigyan din sila ng pagkakataon na magsumite ng counter affidavit.



Itinakda naman ni Atty. Jofre Andreon, piskal ng Mandaluyong ang susunod na pagdinig sa June 23.

Facebook Comments