Cauayan City, Isabela- Idineklara ng insurgency-free mula sa impluwensya ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang Barangay Dupag, Tabuk City, Kalinga.
Ito ay matapos lumagda sa isang resolusyon ang miyembro ng Area Clearing Evaluation Team (ACET) na pinamumunuan ni Col. Christopher Sab-it, 503rd Infantry Brigade Deputy Commander kasama si Mayor Darwin Estrañero.
Dati nang tinaguriang “less-influenced’ ang naturang barangay kung saan ikinonsidera ng wala itong presensya ng insurgent groups, ayon sa ulat ng Community Support Program (CSP) team ng 50 Infantry Battalion matapos ang ginawang clearing operation sa barangay sa loob ng isang taon.
Kaugnay nito, sa ilalim ng whole-of-government approach against insurgency, maraming mga programa kasama ang livelihood assistance at agricultural interventions mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang tumulong sa barangay upang bigyang pansin ang problema sa komunidad na pinagsamantalahan ng mga CTG upang kumbinsihin ang mga residente na sumali sa kanilang hangarin.
Pero iginiit ni Col. Sab-it na mayroon pa ring kailangang tapusin sa Barangay Dupag at nangakong ang hukbo ay tutulong upang punan ang mga kakulangan.
Samantala, tiniyak naman ni Mayor Estrañero na ang lokal na pamahalaan ay ginagawa ang lahat upang makapagbigay ng mga programa at serbisyo sa mga residente ng Barangay Dupag.
Nakikita ng alkalde na makakatulong ay ang pagbibigay ng scholarship program na makakatulong sa 50 mag-aaral para makapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Popondohan rin umano ng LGU ang paglalagay ng streetlights at ang pagsasaayos ng mga kalsada patungo sa Mosimos National High School.
Ang kasaysayan ng Barangay Dupag bilang CTG-influenced ay naibalik na sa katutubong komunidad laban sa panukalang proyekto na Chico River Dam noong taong 1970.