Barangay East Rembo, West Rembo at Comembo, ginalugad ng anti-illegal parking operations

Inaksyunan na ng mga barangay officials ang problema sa illegal parking sa ilang mga barangay sa Makati.

 

Sa sumbong ng mga residente, malaking perwisyo ang illegal parking sa Barangays East Rembo, West Rembo at Comembo.

 

Kaakibat ng permiso ng mga barangay ay sinugod ng Inter-Agency Council on Traffic (i-act) na binubuo ng mga kawani ng PNP Highway Patrol Group (HPG), Public Safety Department (PSD), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Makati Action Center (MAC) ang mga iligal na nakaparking na mga kotse, truck at tricycle.


 

Binigyan ng violation ticket ang mga nakaparadang sasakyan na ginawang parking lot ang mga sidewalk.

 

Patuloy pa ang gagawing pag-iikot ng mga city officials upang bigyang kaayusan at mapanatiling free from obstruction ang mga kalsada sa lungsod.

Facebook Comments