Barangay Ginebra malaki ng tiwala kina Aguilar at Tenorio

38

Umaasa ngayon si Barangay Ginebra Head Coach Tim Cone na malaki na ang maitutulong nina Japeth Aguilar at LA Tenorio sa kanilang magiging laban mamaya kontra Blackwater Elite.

Matatandaan sa unang laro ng Gin Kings, tinalo nila ang NLEX Road Warriors sa score na 102-92 kung saan nakakuha ng 1-point si Tenorio habang 7-points kay Aguilar.

Bagama’t aminado si Cone na hindi pa 100 percent ang kondisyon ng dalawa, hindi naman siya magdadalawang isip na paglaruin pa rin sila lalo na’t importanteng manalo sa kada laro.

Ang dalawa ay huling nakasama ng Ginebra sa Clark bubble matapos sumailalim si Tenorio sa laparoscopic surgery habang si Aguilar ay nagpagaling muna sa dati nitong injury.

Samantala, maari nang magparehistro at maging isa sa mga Philippine Basketball Association (PBA) virtual fan sa mga laro sa Clark bubble kung saan makikita ang online forms sa official social media account ng PBA.

Facebook Comments