Barangay Ginebra, muling nagwagi kontra Meralco Bolts sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup

PBA – Abante na sa 2-0 ang Barangay Ginebra San Miguel matapos manalo sa best of seven finals kontra Meralco Bolts sa PBA Governors’ Cup.

Nanalo ang Gin Kings sa score na 86-76 kung saan naging bida sa panalo ang import nila na si Justin Brownlee na nagtala ng 19 points habang mayroong 14 points naman si LA Tenorio.

Hawak ng Bolts ang kalamangan mula unang quarter pero nahabol ito ng ginebra sa pamamagitan ng 17-1 run sa natitirang anim na minuto ng last quarter.


Ikinatuwa naman ni Ginebra Coach Tim Cone ang naging performance ng kanilang mga players at umaasa siya na magpapatuloy ito para muli nilang makuha ang kampeonato.

Facebook Comments