Barangay Ginebra, nasa unang puwesto na ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang Blackwater

Naitala ng Barangay Ginebra ang pangalawang panalo sa PBA Philippine Cup matapos talunin ang Blackwater sa score na 103-99.

Bumida sa panalo si Prince Caperal na nagtala ng 24 points habang mayroong 17 points si Stanley Pringle at 14 points naman kay Scottie Thompson.

Dahil sa panalo, nasa unang puwesto na ang Ginebra kasama ang TNT Tropang Giga at Phoenix Super LPG na pawang mayroong dalawang panalo at walang talo.


Ayon kay Ginebra Head coach Tim Cone, naninibago pa lamang sila sa isinasagawang bubble game sa Pampanga.

Habang umaasa rin ito na makakapag-adjust na sila kapag nagpatuloy na ang kanilang ensayo.

Facebook Comments