Barangay Ginebra, nasungkit ang unang pwesto sa team standings sa PBA Commissioners Cup matapos talunin ang Mahindra Floodbusters

PBA – Nakuha ng Barangay Ginebra San Miguel ang unang pwesto sa team standing sa PBA Commissioner’s Cup matapos tambakan ang Mahindra Floodbuster sa score na 94-80.

Nanguna sa panalo ang import na si Justin Brownlee na nakapagtala ng 22 points at 10 rebounds habang mayroong 14 points si Japeth Aguilar at 13 points kay Mark Caguioa.

Dahil sa panalo ay mayroon ng siyam na panalo at dalawang talo ang Gin Kings habang mayroong tatlong panalo at walong talo ang Mahindra.


Susunod na makakaharap ng Ginebra ang sinumang manalo sa pagitan ng Alaska-Globalport na maglalaban sa knockout match para sa number 8 spot.
DZXL558

Facebook Comments