Isang singer, aktor at dating aktres – naglahad ng kani-kanilang karanansan sa nangyari sa Resorts World Manila

Manila, Philippines – Isang singer, aktor at dating aktress ang naglahaad ng kanilang mga karanasan sa nangyaring kaguluhan kahapon sa Resorts World Manila.

Ayon sa singer na si Mitoy Yonting, nagpeperform ang kanilang banda sa unang palapag ng hotel and casino nang mangyari ang insidente na nagsimula sa ikalawang palapag.

Dahil dito, napilitan si Mitoy at ang kanyang banda na itigil ang pagkanta at agad silang lumabas ng gusali sa exit ng duty free at tumungo sa Villamor Airbase.


Sa kabilang banda naman ay bumibili lamang ng pagkain sa ikalawang palapag ng gusali ang dating temptation island aktress na si Azenith Briones.

Ayon kay Briones, nagtago siya sa kitchen ng isang restaurant ngunit nang kumapal na ang usok ng sunog ay nagawa niyang tumalon pababa ng unang palapag kung kaya siya nagkaroon ng mga sugat.

Kabilang naman sa nasawi ang kanyang asawa na si Eleuterio Reyes.

Samantala, ang aktor naman na si Martin Del Rosario ay nasa 3rd floor ng mall nang maganap ang putukan sa casino complex.

Ayon sa aktor, sinabi sa kanya ng gwardiya na may lasing daw sa ikalawang palapag ang nagpaputok ng baril kaya’t mabilis silang lumabas at hindi na nadamay pa sa insidente.
DZXL558

Facebook Comments